HINABLOT ni Lauren Hoffman ang ikalawang ginto nito matapos pagreynahan ang women’s 400 meter hurdles ng ICTSI Philippine athletic Championship sa Philsports oval kahapon sa Pasig City.
Bagama’t nagmintis ng ga-buhok sa Olympic stand na 54.85 isang maling hakbang sa huling stretch ang naging balakid sa kanyang pangarap na standard sa Olimpiyada pero sapat na upang pitasin ang kanyang ikalawang ginto sa kaganapang itinataguyod ng ICTSI at inorganisa ng PATAFA gayundin ay kinapos siya upang basagin ang national mark na 55.72 na kanyang itinala sa Derek Relays sa Des Moines, Iowa, USA noong nkaraang buwan.
” I competed well today and I’m happy for that,” wika ni Hoffman.
Nabasag naman via hairline ni Kristina Knott ang record niyang 11.3 sa heat na 11. 2 pero sa gold race ng 100 m dash ay isinumite niya ang 11.59 ginto na kapos din sa Paris standard. (DANNY SIMON)
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo