May 20, 2024

JOEL CRUZ AND HIS 8 KIDS, RUNAMPA SA FOR BESSIE BESANA FILIPINXT FASHION SHOW SA USA

BONGGA! Fashionista na rin talaga ang walong [ 8 ] kids ni Joel Cruz, sa nakaraang FILIPINXT, The New Era of Philippine fashion na ginanap sa Manhattan, New York, USA.

“Halos lahat ng nakapanood sa pag-rampa ng mga anak ni Joel Cruz, ay pinasaya ng 8 kids ni Joel.

“Kahit baguhan ang 8 mga bata, ipinakita nila sa lahat ng mga Foreigners na mga nanood na kaya nilang irampa ang lahat ng mga kasuotang gawa ni Bessie Besana.

“Hindi rin nag-patalo ang Lord of Scent na si Joel Cruz, kitang-kita na habang rumarampa siya ay abot saya ang tagumpay na kanilang tinamasa. Dahil tanggap na tanggap sila sa nasabing fashion show.


“Proud father siyempre, kahit kabado ako. Masayang-masaya ako dahil, nairaos namin ng matagumpay ng aking 8 kids walking down the runway in Manhattan, New York, USA for Bessie Besana ng FILIPINXT, The New Era of Philippine fashion.” Ayon pa kay Joel Cruz.

Kung loloobin ay baka, masundan pa ang nasabing pag-rampa ng mga anak ni Joel Cruz, dahil tanggap na tanggap na ang kanyang mga anak sa mundo ng fashion world,” masayang kwento ni Miss. Bubuwit na aking source.