Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondong nagkakahalaga ng P12.375 bilyon para sa pagpapalawak ng programang UPLIFT ng pamahalaan.
Ayon kay Palace Press Undersecretary Claire Castro ngayong Hulyo 16, 2026, layon nitong magbigay ng karagdagang ayuda sa may 7.5 milyong pamilyang Pilipino na lubhang apektado ng mataas na presyo ng langis at mga bilihin dulot ng krisis sa Gitnang Silangan.
Hahatiin ang ayuda sa dalawang kategorya: isang one-time cash assistance na P2,000 para sa 3.5 milyong benepisyaryo ng 4Ps at Walang Gutom Program; at P2,000 buwanang ayuda mula Hulyo hanggang Disyembre para sa 2.5 milyong mahihirap na pamilya (CBMS) at 1.5 milyong low-income workers mula sa SSS.
BASAHIN: GSIS, NAGLAAN NG P12.62-M EMERGENCY LOAN PARA SA PUERTO GALERA DULOT NG EL NIÑO
Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na ipapamahagi ang tulong gamit ang digital channels upang maiwasan ang red tape.
Binigyang-diin naman ng Palasyo na makikinabang din ang middle class taxpayers sa hakbang na ito dahil gagamitin ng gobyerno ang pondo para pigilan ang pagtaas ng pamasahe at toll fees, upang mapigil ang domino-effect ng inflation.
Pangungunahan ng DSWD ang distribusyon ng pinalawak na programa ngayong buwan.
