PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang dedikasyon ng mga guro, pinuno ng paaralan, at mga tauhan ng edukasyon habang ipinagdiriwang ng Lungsod ng Navotas ang isang mahalagang milestone sa tagumpay ng mga mag-aaral nang makapagtala ang Schools Division Office (SDO) ng Navotas ng pinakamataas na pangkalahatang iskor sa National Capital Region (NCR) para sa National Achievement Test (NAT) sa Grade 6 pupils para sa school year 2024–2025. (JUVY LUCERO)
PINAPURIHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang dedikasyon ng mga guro, pinuno ng paaralan, at mga tauhan ng edukasyon habang ipinagdiriwang ng Lungsod ng Navotas ang isang mahalagang milestone sa tagumpay ng mga mag-aaral nang makapagtala ang Schools Division Office (SDO) ng Navotas ng pinakamataas na pangkalahatang iskor sa National Capital Region (NCR) para sa National Achievement Test (NAT) sa Grade 6 pupils para sa school year 2024–2025.
Batay sa datos ng rehiyon, ang SDO Navotas ay nagtala ng pangkalahatang Mean Percentage Score na 69.74, ang pinakamataas sa lahat ng dibisyon ng NCR. Ilang lungsod ang nakakuha ng iskor na mas mataas sa average lines, kabilang ang Las Piñas, Makati, Valenzuela, Parañaque, Pasig, Mandaluyong at Quezon City, kung saan ang Navotas ang nakakuha ng pinakamataas sa pangkalahatan.
Nangunguna rin ang Navotas sa lahat ng asignaturang: Ingles (74.68), Matematika (71.20), Agham (66.12), Pilipino (68.01) at Araling Panlipunan (68.67). Nahigitan ng mga markang ito ang regional averages, na sumasalamin sa matatag at pare-parehong pagtaas sa akademikong pagganap sa Grade 6 pupils.
Maraming paaralan ang nagbigay ng malaking kontribusyon sa natatanging pagganap ng dibisyon. Nanguna ang North Bay Boulevard North Elementary School na may kahanga-hangang 90.20 MPS, kasunod ang Bangkulasi Elementary School (80.37), San Rafael Village Elementary School (78.46), Navotas Elementary School (77.64), Navotas-I Elementary School (75.81), at North Bay Boulevard Elementary School (74.96).
Ipinatupad ng mga paaralang ito ang targeted interventions, kabilang ang mga aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng magulang, mga karagdagang aralin, at mga sesyon ng pagsusuri, na nakatulong sa pagpapahusay ng kahandaan ng mga mag-aaral para sa NAT.
Ipinahayag din ni Mayor Tiangco ang kanyang pasasalamat para sa komunidad ng edukasyon ng lungsod.
“This achievement is not only because of our outstanding students; it is also the result of the skill and dedication of our teachers, school heads, and everyone who makes up the education sector in our city. Thank you for your continued service and love for the Navoteño youth,” anang alkalde.
Pinuri naman ni Dr. Meliton Zurbano, Superintendent ng Schools Division, ang sama-samang pagsisikap sa likod ng tagumpay na ito.
“We achieved this through collaboration with our education champions. We also work hand in hand with the different sectors of our community for the betterment of our learners! Happy Learners are performers!” pahayag niya.
Itinampok din ng dibisyon ang matibay na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pangunguna ni Mayor Tiangco, na ang mga programa sa edukasyon ay naging mahalaga sa pagpapalakas ng mga pangunahing kasanayan tulad ng pagbasa at pagbilang.
Kabilang sa mga inisyatibo, ang Basa Navoteño, NAVOREADS, Project NUMERALS at Kalinisan at Disiplina Program na malaki ang naitulong sa pagpapabuti ng kahandaan ng mga mag-aaral at pangkalahatang akademikong pagganap.
Mas maaga sa taong ito, nakamit din ng Navotas ang pambansang pagkilala para sa Natatanging Pagganap ng Local School Board nito, na pinarangalan para sa mga inisyatibo na nagpalakas ng maagang literasiya at sumuporta sa mga mag-aaral sa pagkumpleto ng taon ng pasukan.
Itinatampok ng komendasyon na ito ang patuloy na pagtutulungan sa pagitan ng SDO, Local School Board at mga kasosyo sa komunidad habang sila ay sama-samang nagtutulungan upang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa Navotas. (JUVY LUCERO)
