September 7, 2024

Miyembro ng gabinete ni PBBM, di biro ang mga credentials kaya malaki ang maitutulong sa administrasyon

Malaki ang pag-asa nating makaahon sa hirap mga Cabalen. Dahil ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong BBM ay hindi basta-basta. Kung ang pagbabasehan ay mga credentials ng mga ito.

May mabibigat na kursong tinapos at mga katungkulang hinawakan; buhat pa sa mga nakaraang administrasyon. Upang tulungan si PBBM ang kanyang pangarap nating lahat, dahil ito’y pangarap niya rin. Sinalang mabuti at pinag-isipan ang mga natatanging tao na karapat-dapat maupo bilang kalihim ng bawat departamento.

Alam ba ninyo mga Cabalen na hindi bababa sa 60 na taong gulang ang mga miyembro ng Marcos government? Sa mga ito, 80 porsiyento ay graduate degrees at abogado, senador at kongresista. Karamihan din sa maga ito ay mga nagsipagtapos sa UP at mga tanyag na unibersidad sa ibang bansa.

Malamang sa hindi mga Cabalen, tayo ay makakaasang uunlad ang bansa at aahon sa kahirapan. Sa pangakong ipagpapatuloy ni PBBM ang magandang nasimulan ni dating Pangulong Duterte makikita na ang pag-usad ng ekonomiya. Lalo na na katulong ng pangulo si VP Sara Duterte-Carpio.

                                                         ****

Nakakatuwa naman itong si kapatid na si DSWD Sec. Erwin Tulfo, lilimasin niya ang milyon-milyong pangalan mula sa listahan ng mga tumatanggap ng 4P’s. Mabuhay ka!

Sa wakas, mga totoong karapat-dapat ang makakakuha ng benepisyo sa gobyerno at hindi ang mga inilista ni Kap dahil kamag-anak o di kaya ay malapit sa kanya.

Matatanggal sigurado ang mga ipinangsusugal lamang o pangtugon sa bisyo ang ginagamitan ng perang tinatanggap. Tinuturo naman ni Kap ang DSWD na taga-lista ng mga dating tumatanggap ng 4P’s na hindi kuwalipikado. Paano na yan? Wala nang sanlaan ng ATM ng mga 4P’s.

                                                         ****

Congratulations naman sa ating dating SEA Games Ambassador Bong Coo na itinalagang bagong Chairman ng Philippine Sports Commission. Mabuhay ka!