Ilan sa mga larawang makikita sa eksibisyon
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
KAALINSABAY sa pagdiriwang ng 2026 Philippine Eagle Week mula 04 hanggang 10 Hunyo ay ang pagbubukas ng AGILAkbay exhibit sa gallery ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA, itinatag 1992) nakaraang 08 Hunyo 2026 Lunes.
Itinatampok sa eksibisyon ang visual artist na si Bing Famoso na ang kaniyang mga likha ay naglalakbay sa mundo ng Philippine Eagle. Binibigyang-diin sa exhibit ang pangangalaga sa wildlife at kalikasan habang itinataas ang kamalayan sa pamamagitan ng sining at nakakaengganyong karanasan.
Ang pasinaya ay dinaluhan ng mga tagapagtaguyod ng sining at kapaligiran kabilang sina NCCA Deputy Executive Director Bernan Joseph Corpuz, National Museum of the Philippines Director-General Jeremy Barns, DENR Biodiversity Management Bureau Assistant Director Marigs Laririt, Philippine Eagle Foundation Executive Director Dennis Salvador, dating Pangulo ng Cultural Center of the Philippines na si Nestor Jardin, Ambassador ng Czech Republic sa Pilipinas na si His Excellency Karel Hejč, at Ambassador ng Ireland sa Pilipinas na si Emma Hickey.

Ang AGILAkbay ay nagsisilbing espasyo para sa pagninilay, pagpapahalaga, at pagkilos, na nagpapaalala sa lahat ng pangangalaga sa Philippine Eagle na likas na pamana. Bukas sa publiko an eksibit hanggang 30 Hunyo 2026.
