Bagama’t kilala ang mga Pilipino bilang “heavy users” ng social media gaya ng Facebook at TikTok, isang malaking pagbabago ang mapapansin sa hanay ng mga job hunters sa Metro Manila. Dahil sa talamak na “clickbait” at mga pekeng recruitment, mas pinipili na ngayon ng mga aplikante ang mga verified at structured digital platforms sa paghahanap ng trabaho sa BPO.
Pagod na ang mga aplikante sa Makati, Quezon City, BGC, Pasig, at Alabang sa magulong sistema ng mga Facebook groups. Marami sa mga post dito ay luma, paulit-ulit, at higit sa lahat, hindi sigurado kung lehitimo ang recruiter.
Mas nakakabahala ang mga ulat kung saan ang ilang recruitment sa social media ay nauuwi sa panloloko o maging sa human trafficking, kung saan ang mga biktima ay dinadala sa ibang bansa para magtrabaho bilang mga “scammers.”
Upang protektahan ang kanilang reputasyon at mapabilis ang hiring, ang mga lider sa industriya gaya ng Teleperformance, Concentrix, EXL, Foundever, Alorica, at Accenture ay mas aktibo na ngayon sa mga organisadong hiring channels.
Ayon sa mga recruitment professionals, mas mabilis at malinaw ang proseso sa mga portal gaya ng MyGlit kaysa sa nakasanayang “walk-in” o pag-asa sa mga informal social media posts.
Bakit mas pabor ang mga aplikante sa Portals?
1.) Seguridad: Siguradong “verified” ang kumpanyang nag-post.
2.) Transparency: Kita ng aplikante ang status ng kanilang application (kung nabasa na ba o hindi).
3.) Bilis: Ayon sa datos mula sa ika-apat na bahagi ng 2023, bumaba ng 40 porsyento ang panahon ng paghihintay para sa job offer (time-to-offer) sa mga structured portals kumpara sa tradisyunal na paraan.
“Ilang linggo akong nag-apply sa Facebook, hindi ko alam kung nakikita ba ang application ko,” kwento ni Miguel R., isang bagong hire sa Quezon City. “Sa portal na ginamit ko, kita ko ang kumpanya at may updates. Nawala ang kaba ko.”
Ayon sa mga talent acquisition managers, ang hakbang na ito ay nagpapakita ng “maturity” o pag-unlad ng hiring landscape sa National Capital Region (NCR).
Sa gitna ng dumaraming regulasyon, ang paglipat sa mga auditable digital channels ang nakikitang solusyon upang maibalik ang tiwala ng mga Pilipino sa paghahanap ng marangal na trabaho. (Limuel Tolentino)
