May 18, 2024

Marami na naman ang mai-insecure… KRIS AQUINO, MAGBABALIK SHOWBIZ NA

MASAYA ang mga fans ni Kris Aquino, dahil tuluyan na nga ang paggaling ng kanilang idolo. Sa X account ni Kris, ay may nag-post ng video niya habang nag-aabang ng pagbubukas ng elevator sa isang building, nakalagay sa caption ‘Our Queen will be back very soon, STRONGER and BETTER! We miss you, Kris, ALWAYS.

“Mukha namang hindi siya umalis, kasi iyong trono niyang pansamantalang iniwan ay wala pang nakakakuha. Nananatili itong bakante, marami ang nagtangka pero walang nakakuha, kaya kapag nakabalik na si Tetay malamang na marami na naman ang ma-insecure sa kanya.

 “Kung tutuusin nga, maraming sikat at magagaling na mga artista ang nawala at may pumalit sa kanilang iniwang trono. Pero iyong trono ni Ms. Kris Aquino bilang ‘Queen of Talk’ ay bakanteng-bakante pa rin. Sa pagbabalik showbiz ni Kris Aquino, marami na naman ang ma-insecure sa kanya at tiyak na hindi nila matanggap ang pagbabalik nito.

 “Kaya ang kanyang mga followers ay tiyak na magbubunyi na naman, iyong kanilang mga dasal ay talagang sinagot kaya hayan ang kanilang idolo na muli na namang mamamayagpag sa showbiz na saglit muna niyang iniwan. Para sa mga followers ni Kris, isang tagumpay ito sa kanilang idolo na manalo sa kanyang sakit,” masayang kwento ng aking source.