Sa kabuuan, marami ang nasiyahan sa kauna-unahang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa mga inusisa ng KAPAMU, natuwa sila, sapagkat binanggit lahat ng Pangulo ang mga problemang dapat malutas ng kanyang administrasyon.
Sa SONA ni PBBM, maliwanag na inisa-isa nito ang kanyang mga nais na isagawa ng kanyang mga kalihim sa bawat ahensiya ng pamahalaan; upang lutasin ang mga pangunahing problema na kinakaharap ng bansa.
Bukod sa unity o pagkakabuklod-buklod ng lahat sa panahon ng kanyang panunungkulan, binigyang diin ni PBBM na wala siyang ipapahintong programa o proyekto ng nakalipas na administrasyon, lalo na kung ang mga ito ay nakakatulong sa mamamayan.
Tiwala si PBBM na sa tulong ng kanyang administrasyon ay maayos at mabilis na maipatutupad ng pamahalaan ang ano mang programa para sa ikauunlad ng bansa.
*****
Gobyerno, makatitipid sa pagpapaliban ng Brgy Elections
Aabot sa P8.11 bilyon ang maaaring matipid ng pamahalaan dahil sa pagpapaliban ng Barangay elections sa bansa. Ang katipirang ito ay ibubuhos sa mga programa ng pamahalaan, sa halip na gugulin ng COMELEC sa halalan.
Matutuwa ang mga incumbent barangay officials. Sa dahilang maaari pa silang makapaglingkod at tuloy ang ligaya.
May mga kababayan tayo na hindi natutuwa, dahil mga datihan pa din ang mauupong barangay officials hanggang Mayo sa susunod na taon.
Sila ang mga naniniwala na walang nagawa ang kanilang mga kabesa at mga alagad ng mga ito. Kundi, ang gamitin ang kanilang posisyon para magpayaman.
Ngunit marami din naman sa ating mga kapitan ang totoong naglilingkod sa bayan.
Sa susunod na pagka-udlot ng eleksiyon sa pagka-barangay, may kabuuang tatlong termino na ang nilalakad sa serbisyo ng mga kapitan at mga kagawad nito. Ibig sabihin nakaka-siyam na taon na silang nakaupo.
Sa iminumungkahi ng Kongreso, malamang na maging limang taon ang bawat termino ng mga taga-barangay.
****
Walang opisina kapag hindi ka kakampi ni yorme
Gaya ng inaasahan mga Cabalen, kapag hindi ka kakampi ni yorme, malamang wala kang opisina. Bahala ka sa buhay mo o di kaya naman ay mag-mayor ka muna.
Ito daw ang kaganapan sa Cancaloo. Hanggang sa kasalukuyang ay di-umano ay wala pa ding ibinibigay na opisina ang tatlong konsehal na tumakbo at nanalo sa ilalim ng partido ni dating 2nd District Congressman Egay Erice.
Hindi pinalad si Erice at karamihan sa kanyang mga kandidato. Ang tatlong konsehal naman mula sa tatlong distrito ng Caloocan City na nanalo sa nakaraang halalan ay hindi pa din nabibigyan ng opisina? Kung sa bagay, ganyan naman talaga ang nangyayari. Matindin ang local politics. Personal ang benggahan.
Bukod pa diyan ang mga nagsialis na sa puder ni Erice matapos siyang talunin ni Along Malapitan noong nakaraan halalan.
Kaya ang mga nakikita nating pulitiko na palipat-lipat ng partido ay malamang di na makaya ang panggigipit na ibinibigay sa kanila ng kampo ng kalaban.
Iyan ang nakasanayan at iyan ang sistema ng pulitika sa bansa.
More Stories
2024 SLA Sinag Lakas Kalibre 45.. 3H JC2 SLASHERS SEALIONS NAUNGUSAN ANG SAN PEDRO MAMB’
Mga Pagdiriwang sa Buwan ng Hunyo
ANG PAGTATAPOS NG MGA MAG-AARAL