NAGSAGAWA ng pagpupulong ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco at ang Metro Shipbuilders and Ship Repairers Association, Inc. (MSSAI) para sa updates at mahahalagang paalala tungkol sa mga paghahandang isinasagawa ng mga shipyard para sa nalalapit na tag-ulan at kung paano ito makatutulong sa pagpapalakas ng flood preparedness ng lungsod. (JUVY LUCERO)
NAKIPAGPULONG ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa Metro Shipbuilders and Ship Repairers Association, Inc. (MSSAI) para sa updates at mahahalagang paalala tungkol sa mga paghahandang isinasagawa ng mga shipyard para sa nalalapit na tag-ulan at kung paano ito makatutulong sa pagpapalakas ng flood preparedness ng lungsod.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, bilang mga establisimyentong matatagpuan sa kahabaan ng mga daluyan ng tubig sa Navotas, mahalaga aniya ang pakikipagtulungan ng mga shipyard sa pagpapatupad ng mga hakbang upang mabawasan ang panganib ng pagbaha, maprotektahan ang mga komunidad, at mapanatiling ligtas ang kanilang mga operasyon.
BASAHIN: LIBO-LIBONG GRADWEYT NA MAG-AARAL SA NAVOTAS, NAKATANGGAP NG CASH INCENTIVES
Sa pamamagitan aniya ng patuloy na koordinasyon sa pribadong sektor, sama-sama nitong pinatitibay ang kahandaan ng Navotas laban sa mga epekto ng masamang panahon at iba pang kalamidad.
Kabilang sa mga miyembro ng MSSAI na dumalo sa pagpupulong ang R< Shipyard and Realty Development Corp., McFish International Corp., Nautilus Shipyard & Repair Inc., Majestic Shipping Corp., Navotas Shipyard Corp., Western Shipyard Services Inc., Seaver Marine Shipbuilding and Industrial Corp., Asian Shipping Corp., Elfa Shipyard Corp., Northbay Construction Services Corp., RESL Shipyard, Triple Dragon Ship Repair and Ship Building Services, SAS Shipyard Inc., Josefa Slipways Inc., RAJ&T Marine Services Inc. at RBL Shipyard.
