ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay namahagi ng cash incentives sa Navoteño students na nagtapos sa mga pampublikong paaralan ng lungsod para sa taong panuruan 2025-2026, bilang bahagi ng patuloy na pangako nito sa pagsuporta sa edukasyon paa mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilya. Sinabi ni Mayor John Rey Tiangco na ang lungsod ay nananatiling nakatuon sa pamumuhunan sa edukasyon at pagkilala sa pagsusumikap ng mga mag-aaral. (JUVY LUCERO)
Bilang bahagi ng patuloy na pangako nito sa pagsuporta sa edukasyon at pagpapagaan ng pinansiyal na pasanin sa mga pamilya, ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay namahagi ng cash incentives sa Navoteño students na nagtapos sa mga pampublikong paaralan ng lungsod para sa taong panuruan 2025-2026.
May kabuuang 3,776 Grade 6 completers ang nakatanggap ng P500 bawat isa, habang 1,986 Grade 12 completers ang nabigyan ng P1,000 bawat isa.
Simula ngayong taon, ang mga Grade 10 completers ay kasama na rin sa graduation incentive program ng lungsod sa bisa ng City Ordinance No. 2026-03. May 2,722 Grade 10 completers ang nakatanggap ng tig-P1,000.
Samantala, ang mga graduate ng Navotas Polytechnic College ay tatanggap ng P1,500 kasunod ng kanilang graduation ceremony sa huling bahagi ng taong ito.
BASAHIN: Tiangco, ikinatutuwa ang pagkakaaresto kay Zaldy Co
Sinabi ni Mayor John Rey Tiangco na ang lungsod ay nananatiling nakatuon sa pamumuhunan sa edukasyon at pagkilala sa pagsusumikap ng mga mag-aaral.
“Education is one of the most important investments we can make for the future of our city. Through these incentives, we hope to encourage our students to continue striving for excellence and help ease the financial challenges faced by their families,” pahayag ni Mayor Tiangco.
Dagdag pa niya, layunin ng pamahalaang lungsod na matiyak na walang maiiwan na mag-aaral dahil sa kahirapan sa pananalapi.
“We want our students to focus on achieving their dreams and completing their studies. The city government will continue to provide programs that support their academic journey and overall development,” dagdag niya.
Ang pamamahagi ng mga insentibo ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na hikayatin ang mga mag-aaral at palakasin ang mga programa sa suportang pang-edukasyon para sa mga nag-aaral ng Navoteño. (JUVY LUCERO)
