Natagpuang patay ang isang lola at ang isang aso habang magkayakap nang sumiklabaso sa isang sunog na sumiklab sa kanilang tahanan sa Gagalangin, Tondo, Manila nitong Sabado ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si si Juanita Bitco, 79-anyos at hindi residente ng lugar. Bumisita lang siya sa mga kaanak at nakatakda sanang umuwi sa kanila sa katapusan ng Nobyembre.
Sugatan naman ang dalawang anak ng biktima na sina Josephine at Erlinda, na parehong nagtamo ng mga burns.
Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang unang alarma nitong 2:54 a.m.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago ito naging under control noong 3:52 a.m. Naideklara ang fire out nitong 4:05 ng umaga.
Aabot sa 30 na mga pamilya o mahigit 80 individuals ang naapektuhan ng sunog.
Pansamantala muna silang tumuloy sa covered court ng barangay.
Ayon sa barangay, nagsimula ang sunog sa pumutok na charger ng cellphone.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa insidente.
More Stories
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC
Misis na nasa likod ng pagpatay sa mister, arestado sa Valenzuela