May 5, 2024

Padios, Veguillas magilas sa Pencak Silat at Karate sa PSC-WMA Festival

Padios ginto sa pencak ng PSC WMA

 Nagpakitang – gilas si Mary Francine Padios tulad ng kanyang winning act  noong Southeast Asian Games.

Dinomina niya ang 8th Women’s Martial Arts (WMA) Festival pencak silat kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang 19-anyos SEA Games champion ay pinagyreynahan ang  Seni Tunggal singles category matapos umiskor ng 9.587 points upang saklitin ang  unang gold medal  ng palarong  inorganisa ng Philippine Sports Commission.

 Naipanalo ni  Padios ang ginto matapos ang 3 attempts upang dominahin  ang kanyang pet event. 

Si Padios ay nakasunglit  ng bronze medal sa Pencak Silat World Championships sa Malacca, Malaysia kamakailan.

 Ang anim na araw na  kaganapan para sa women martial arts athletes ay suportado ng Pocari Sweat Otsuka Solar Philippines Inc.

 “Hindi po sana ako maglalaro ngayon pero napanaginipan ko po ang papa ko at parang pinapaalalahan po ako sa responsibilidad ko ngayon, hindi lang sa bansa dahil ako na din ngayon ang tumatayong padre de pamilya,’’ sambit ng naluluhang si Padios, gold medalist noong nakaraang  31st SEAGames Vietnam.

 Ang pambato ng Phil. Speed Warriors-Aklan, na si Cherry Mae Regalado- bronze medalist noong  2018 Asian Games, ay nakuntento sa silver sa kanyang 9.246 points habang  bronze naman ang napagwagian ni Lorraine Verde ng Isat U KBD sa kanyang 8.897 points.

Samantala, ang anak naman ng dating national athlete at SEAGames gold medalist ay nangibabaw sa kanyang forte na kata event.

Si Samantha Emmanuelle Veguillas,anak ni 1993 SEAG kata gold medalist Chino Veguillas ay nasungkit ang gold medal sa women’s individual matapos daigin si  Joan Denise Lumbao ng Association of Advancement of Karate sa finals.

Naungusan ni Veguillas,19 anyos, si Lumbao,16-anyos, sa score na 23.20-22-18.