May 22, 2024

Lady Agilas, umarya sa Asian Nations Online Chess Cup 2020

Binuhat ni Woman International Master (WIM) Jan Jodilyn Fronda ang team PH sa Asian Nations Online Chess Cup 2020.

Dinaig ni Fronda si IM IM Guliskhan Nakhbayeva sa Board 2. Kaya naman, naitala nito on stunning 2.5-1.5 win sa third seed na pambato ng Kazakhstan sa quarterfinal bert.

Sa nasabing laro, one piece down si Fronda at nasa alanganing posisyon. Pero, sumablay si Nakhbayena at na-time trouble ito.

Bukod kay Fronda, wagi rin si WIM Bernadette Galas kay Woman FIDE Master Meruert Kamalidonva sa Board 4.

Habang si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ay nakitabla kay FM Bibisara Assaubayeva sa board one.Tanging si WFM Shania Mae Mendoza lamang ang natalo. Sumablay ito kay WGM Gulmira Dauletova sa board three.

Sa kanilang kampanya, nagtapos ang Lady Agilas na may 13 match points. Kung saan katabla nila ang Iran sa second place.