Idinaos ng Batangas Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni BPPO Provincial Director PCOL GLICERIO C CANSILAO kasama si Architect Manolo I. Merhan, FUAP, ASEAN Architect President/Principal Architect Volada + Silya Design Co. bilang panauhing pandangal, ang ika-27 taong pagdiriwang ng Police Community Relations Month sa pamamagitan ng Kick-Off Ceremony na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” ngayong araw ng Lunes, Hulyo 4, 2022 alinsabay sa isinagawang Traditional Monday Flag Raising and Awarding Ceremony sa Camp Gen. Miguel C Malvar, Batangas City.
Tampok sa isinagwang aktibidad ang pagbibigay kilala kina Pastor Mark Anthony Valdivia, President Faith Base Advocacy Support Group; KKDAT President Archie P Catapang; KKDAT Vice President Joshua Steven Bascuguin, at FJGAD PNCO na sina PCMS Florencio M Austria; PCMS Geraldine G Oriondo; PSMS Sherryl Gemma D Capadosa; PSSg Maria Marilou Cristina B Ermita; PCpl Rhona Mae M Cometa; at Pat Jennine P Mortel para sa kanilang natatanging kontribusyon para sa pagpapanatili ng peace and order sa pamamagitan ng pagsasagawa nga mga police-community relations activities.
“Ang pagdiriwang ng buwan ng PCR ay angkop at laging napapanahon para manatiling malakas at aktibo ang partisipasyon ng komunidad sa pag-iwas sa anumang krimen. Ito rin anya ang nagpapatibay ng mas malakas na pakikipagtulungan at suporta ng komunidad sa mga programang pangkapayapaan at pangkaligtasan ng PNP para sa publiko,” ayon kay Philippine National Police (PNP) Regional Director Brig. Gen. Antonio C. Yarra ng Police Regional Office (PRO) 4A.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE