May 8, 2024

TOP 6 MOST WANTED NG SAMBOANGA SIBUGAY SA KASONG RAPE, NABITAG NG VALENZUELA POLICE

NASAKOTE ng mga awtoridad ang top 6 most wanted person ng Zamboanga Sibugay dahil sa kasong rape sa kanyang pinagtataguan lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela police chief PLt. Col. Aldrin Thompson ang naarestong akusado bilang si Marjun Mangubat, 35, ng No. 288 Fortune 4 Brgy. Parada ng lungsod.

Ayon kay PLT Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS), nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang impormante na naispatan ang akusado sa tinitirhan niyang lugar sa Brgy. Parada.

Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni PLT Magregalejo, kasama ang 5th MFC RMFB NCRPO, Buug MPS at Intel Operatives saka ikinasa ang joint manhunt operation in relation to Simultaneous Anti Criminality Law Enforecement Operation (SACLEO) na nagresulta sa pagkakaaresto kay Mangubat dakong alas-10:20 ng gabi sa Brgy. Parada.

Ani PSSg Jonathan Garcia, dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong February 13, 2019 ni acting Judge Romeo T. Descallar ng Regional Trial Court (RTC) Branch 31, Zamboanga Sibugay para sa kasong Rape at walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.