December 18, 2024

KASUNDUAN SA EDCA ‘IDINIKTA’ NI UNCLE SAM – BAYAN MUNA

Nililigaw ng administrasyong Marcos ang mga Filipino sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pamamagitan ng pagpayag kay Uncle Sam na diktahan ang mga kasunduan, ayon sa Bayan Muna.

Ang pinalawak na kasunduan ay nagbigay-daan sa paglikha ng apat na bagong base ng tropa ng US sa Pilipinas bilang karagdagan sa lima pang base.

Nabanggit ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang dalawang artikulo ng EDCA na umano’y disadvantage sa Pilipinas.

Ayon sa Article 4, “the prepositioned materiel of the US forces shall be for the exclusive use of the US forces, and full title to all such equipment, supplies and materiel remains with the US. US forces shall have control over the access to and disposition of such prepositioned materiel.”

Itinuro ni Colmenares na ang Artikulo 4 ay nagpapahintulot sa US na mag-imbak ng mga armas, bala, at kagamitan sa Pilipinas, pero tikom pa ang bansa tungkol dito.

“It is noteworthy, that the US retained ‘control over the access and disposition’ of these materiel and the Filipinos could not access these highly sensitive and classified ‘prepositioned materiel.’ We cannot even monitor if they have chemical or nuclear weapons in these storage depots,” dagdag niya.

Kinuwestiyon din niya ang Article 3, na naglalaman ng terms at land access.

“When requested, the Designated Authority of the Philippines shall assist in facilitating transit or temporary access by United States forces to public land and facilities (including roads, ports, and airfields), including those owned or controlled by local governments, and to other land and facilities (including roads, ports, and airfields),” mababasa sa Article 3.

Ipinunto ni Colmenares na sa ilalim ng Article 3, “the US forces are given access to public lands and facilities of the national government; public lands and facilities of the LGUs; and other lands and facilities which definitely include those owned by private individuals.”

“This paragraph grants access to practically any land, road, airport or port in the entire country, whether rural areas, urban areas, forest or plane including private property,” dagdag pa niya.

Nagbabala din si Colmenares na ang local government units (LGUs) at komunidad ay mapipilitang payagan ang pagpasok ng mga puwersa ng US at mapanganib na materyales ng militar nang walang konsultasyon.Kaya makikita na nililinlang ni National Security Adviser [Eduardo] Año ang mamamayan sa pagsasabing ang Marcos government daw ang pumili ng additional EDCA sites at makikita din na pine-pressure ang mga LGU na tumututol dito, tulad ni Cagayan Governor Manuel Mamba, para pumayag na at masunod lang ang gusto ng US sa ilalim ng EDCA,”  dagdag niya.