May 5, 2024

Ginang pinasaksak ng ka-live-in, suspek nagpakamatay din

PATAY ang isang 46-anyos na ginang matapos umanong pagsasakakin ng seloso niyang live-in partner bago nagsaksak din sa kanyang sarili ang suspek sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ng mga barangay opisyal ang bangkay ni Julieta Espaniola, at kanyang live-in partner na si Edgardo Mananqui, 50, sa loob ng kanilang bahay sa Phase 4, Package 6, Brgy. 176, Bagong Silang at may mga saksak sa kanilang katawan.

Sa pahayag sa pulisya ng mga kapitbahay ng mga biktima, madalas umano nilang marinig na nag-aaway ang mag-asawa dahil sa matinding pagseselos umano ng lalaki

Bago natuklasan ang bangkay ng mga biktima, sinabi ng mga residente sa lugar na narinig nilang nagsisigawan ang mag-asawa noong Sabado bago maghatinggabi.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na posibleng sinaksak at napatay ng lalaki ang kanyang live-in partner bago sinaksak naman niya ang sarili na nagresulta ng kanilang kamatayan habang patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.