Hindi na umano nakikita ni singer-actress Karylle na posible pang maging magkaibigan sila ng ex-boyfriend na si Dingdong Dantes, kahit pa parehong nasa showbiz industry sila.
Sa panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda ng GMA Network nitong Oktubre 1, diretsahang tinanong si Karylle kung handa ba siyang maging kaibigan muli ng aktor.
“I don’t know if ‘friends’ is the word. I would imagine, being people in the same industry, we could support each other,” tugon niya.
“I see that he supports our movie. I did my best to kind of support their own movies, so I think supporting each other, maybe. The friendship, I don’t think is in the cards anymore.”
Matatandaang tatlong taon naging magkarelasyon sina Karylle at Dingdong bago sila naghiwalay noong 2008. Ngayon ay masaya na si Dingdong sa piling ng asawang si Marian Rivera, habang si Karylle naman ay kasal kay Yael Yuzon ng Sponge Cola.
