December 25, 2024

INAGURASYON NI MARCOS, IDINEKLARANG HOLIDAY

Idineklara ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na “special non-working holiday” ang Hunyo 30, 2022 na araw nang panunumpa bilang ika-17 Pangulo ng bansa ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa Executive Order No. 53 na nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, layon nito na mabigyan ng kaligtasan, seguridad at proteksyon ang mga dadalo sa makasaysayang inagurasyon ni Marcos Jr. bilang chief executive ng bansa na gaganapin sa National Museum of the Philippines na matatagpuan sa Padre Burgos Ave­nue, Ermita, Maynila.

Inatasan na rin ni Domagoso ang Manila Police District gayundin ang lahat ng barangay officials at law enforcement officers na mahigpit na ipatupad ang mga hakbang upang mapanatili ang “peace and order” sa lungsod partikular na sa lugar kung saan gaganapin ang makasaysayang kaganapan sa Maynila. 

Kinakailangan din na ipasara ang mga kalsada sa loob at paligid ng bisi­ni­dad ng inaugural venue, na tiyak na ma­kakaapekto sa trapiko kaya kailangang ideklara na holiday ang event.

Samantala, sarado simula bukas ang mga ruta mula alas-12:01 ng umaga hanggang11 pm ng June 30 ang Padre Burgos Avenue, Finance Road, Ma. Orosa Street – from TM Kalaw to P. Burgos at General Luna Street – from P. Burgos to Muralla Street.

Mula naman June 30, 4 a.m. hanggang 11 p.m., sarado ang Ayala Boulevard atVictoria Street – from Taft Avenue to Muralla Street habang narito naman ang rerouting ng public utility at private vehicles:

• ang mga Northbound vehicles magmumula sa Roxas Blvd. dapat kumanan sa U.N. Avenue or Kalaw Avenue, kumaliwa sa Taft Avenue papunta sa destinasyon.

• ang mga Eastbound vehicles magmumula sa Roxas Blvd. ay dapat kumaliwa sa Kalaw Avenue or U.N. Avenue, at kumanan sa Taft Ave. patungo sa destinasyon.