May 18, 2024

ATTY. VIC RODRIGUEZ BINIGYAN NG PAGKILALA NG LIGA NG MGA BARANGAY SA QC

ITINUTURING na inspirasyon ng may 142 mga opisyal ng barangay sa Quezon City si incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.

Sa isang pagtitipon sa Quezon City, binigyang pagkilala ng Liga ng mga Barangay sa Lungsod si Rodriguez na isang dekada ring naglingkod sa Brgy. Sacred Heart.

Ayon kay Liga ng mga Barangay District 3 President Cesar dela Fuente, nagbigay ng pag-asa sa kanila si Rodriguez na bilang anak ng lungsod ay maaari rin silang umabot sa isang mataas na posisyon balang araw.

Sa panig naman ni Rodriguez, maliban sa pasasalamat ay ipinaalala nito sa mga opisyal ng Barangay sa QC na hindi pangkaraniwan ang maging opisyal ng barangay dahil sila ang kumakatawan sa Lokal na Pamahalaan sa kanilang komunidad.

Tinanggap aniya nito ang hamon ng pagiging mataas na opisyal ng bansa at handa siyang tulungan si President-elect Ferdinand Bongbong Marcos na paglingkuran ang nasa 110 milyong mga Pilipino.