ANTIPOLO CITY — Namatay ang mag-ina matapos lamunin ng apoy ang isang residential area sa Zone 10, Barangay San Roque, nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog pasado alas-8 ng gabi at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay bago pa man tuluyang maapula ng mga bombero.
Kinilala ng Antipolo police ang mga nasawi na sina alias Marieta, 68-anyos, at alias Catherine, 28 anyos at may kapansanan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), natagpuan ang mga biktima walang buhay sa loob ng kanilang banyo — si Catherine ay nakahandusay sa may gutter, habang si Marieta naman ay natagpuan sa loob mismo ng comfort room.
Dakong 8:35 ng gabi idineklarang under control ang sunog, at tuluyang fire out pagsapit ng alas-10 ng gabi.
Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at kabuuang bilang ng mga nasirang bahay sa insidente. (Arnold Pajaron Jr)
