January 26, 2025

HABAMBUHAY AKONG MAGSO-SORRY – ANGEL LOCSIN (Senior pumila, patay sa community pantry)

Humingi ng paumanhin si Angel Locsin sa publiko at sa mga naabala ng kanyang dinagsang pa-birthday community pantry na itinatag niya sa Brgy. Holy Spirit, Don Antonio Heights sa Quezon City kahapon.

Nahirapan kasing kontrolin ng mga otoridad ang pila ng mga taong nagsidagsaan sa venue na nauwi pa reportedly sa pagkamatay ng isang senior citizen na kinilalang si Rolando dela Cruz. 

Sa in-upload niyang Instagram videos ngayong araw, April 23, sinabi ng Kapamilya actress na napaaga ng alas otso ang pagbubukas nila sa community pantry—kahit alas-diyes pa talaga dapat ang schedule nila—dahil nadatnan daw kasi nila mahaba na ang pila ng mga tao alas siyete pa lang ng umaga. 

“Nakita po namin na mahaba na po ‘yong ang pila [ng mga tao] so nagmadali na po kami na mag-load ng mga gulay kasi kinuha pa po namin ‘yon sa bagsakan kaya kanina lang po namin s’ya inimpake,” panimulang salaysay ng aktres. “Dapat ‘yong alas diyes po namin na pagbubukas, nag-open po kami ng mga alas otso, alas otso pasado po.

K’wento pa n’ya, maayos naman daw na nagsimula ang pamimigay nila ng goods pero nagkagulo daw dahil marami umano ang sumingit sa pila. 

Nagsimula naman po kami nang maayos naman po though mahaba talaga ‘yong pila,” lahad ni Angel. “May social distancing po s’ya. Namigay na rin po kami ng p’wede nilang order-an. Pipiliin na lang po nila para mabilis po ‘yong pila. Maayos naman po. May mga stubs naman pong pinamigay. 

“Then, parang…habang ini-interview po ‘yong task force parang ‘yong mga walang pong stubs… [Ito poang pagkakak’wento sa akin kasi busy po ako. Nagbibigay po ako ng goods, e…Parang ‘yong mga wala pong stubs yata sumingit sa pila,” pagpapatuloy ng birthday celebrant. “Naintindihan ko naman po kasi kanina pa sila nag-aantay. ‘Yon po ang dahilan kung bakit nagsiksikan pero nagsimula naman po kami na maayos naman po talaga.

‘Yong akin pong ramp kung saan po kami nagbibigay ay may mga markers pa po na nakalagay para ma-observe po talaga ‘yong social distancing at maka-follow po kami ng protocols.”

Nagtulong-tulong na daw ang mga taga-munisipyo, mga barangay tanod, kapulisan, at militar pero nahirapan daw mga itong kontrolin ang mga tao. 

Dagdag pa ng aktres and humanitarian aid worker, hindi raw n’ya ito inasahan at hindi raw ito ang intensyon n’yang mangyari.  

Hindi po ito ang gusto ko,” pahayag n’ya. “Nagsimula po kami nang maayos ang aming layunin pati po ang aming pagpaplano ng social distancing. Nagkataon lang po talaga na siguro gutom lang po talaga ang mga tao na kahit wala sa pila sumingit na po sila.

At sa puntong ito humingi ng tawad ang tinaguring real-life “Darna” ng kanyang mga tagahanga sa mga naabala at sinabing hindi ‘yon ang kanyang intensyon kung bakit s’ya naglunsad ng community pantry.  

Sa mga nagambala ko po dito, pasensya na po. Hindi po ito ang intensyon ko,” lahad pa n’ya sa video. “Ako po ay umakyat na ngayon kasi kinausap ako baka ‘yong iba lang po dito baka nais lang po magpa-picture o naaaliw lang...so, umakyat na po muna ako. Para kahit papano makabawas po sa sikip sa baba. 

Pero sa lahat po nang naabala ngayon, pasensya na po. Hindi po talaga ito ‘yong intensyon natin,” muling paglilinaw n’ya. “Kahit anong paghahanda naman po natin para ma-avoid ‘yong ganitong gulo hindi lang po talaga s’ya makontrol kahit na nandito na po ‘yong munisipyo, nandito na po ‘yong military, nandito ‘yong pulis, nandito na po ‘yong barangay. Lahat po nandidito na po. Hindi lang po talaga natin makontrol.

Humingi rin s’ya ng pasenya sa mga taong hindi makakakuha ng goods kahapon.  

Sa mga hindi po nabigyan, hindi po mabibigyan today, nais ko ring magsabi ng pasensya po,” sey ni Angel. “Gustuhin ko mang mag-abot I don’t think na papayagan po ako ulit na gawin ‘to. Baka po ipahatid na lang namin kung anuman po ang matitirang goods namin sa lugar n’yo dito sa area para mapakinabangan din po ng iba. 

“Again, pasensya po. Pasensya po. Gusto ko lang po i-celebrate ‘tong birthday ko na sana makatulong ako sa mga tao. Hindi ko po intensyon na makagulo. Pasensya na po,” pagtatapos