May 15, 2024

JAMES DE LOS SANTOS NASIPA ANG IKA-15 GOLD MEDAL SA E-KATA

Muling naghari si James De los Santos matapos dominahin ang third leg ng Sportsdata e- Tournament World Series 2021.

Kaya naman, nasipa niya ang ika-15 gold medal sa nasabing torneo ngayong taon. Sa kabuuan, 51 gold medal na ang nasusubi niya sapol nang sumali sa torneo noong April 2020.

Kung kaya, pinatunayan niya na siya ang No. 1 ranked e-kata player in the world.

Ginapi ni De los Santos si No.2 Matias Moreno Domont ng Switzerland sa final round, 24.6-24.1. Ito rin ang ika-3 beses na maghari ni James sa Sportsdata meet. Na siyang pinakamalaking e-kata tournament

 “I was able to manage and win my 51st gold overall, the biggest virtual kata tournament,” saad ni De los Santos.

Pinasalamatan niya ang suporta ni Adonis Colonia sa pagpapahintulot nito na gamitin ang dojo gym. Sapol nan gang kanyang main venue ay isinara sapolnoong magka-MECQ.

 “For this tournament, I really had to rush my videos, which I submitted the day before the evaluation of the judges. I had to do three katas (performances) before the deadline,”aniya.