April 24, 2024

GREG SLAUGHTER, MAGLALARO SA JAPAN B. LEAGUE

PBA Image

Bubuslo si Greg Slaughter sa Japan B. League para sa second division team. Lalaro siya sa Rising Zephyr Fokuoka. Inanunsiyo mismo ng team na nasa kanila na ang 7-foot cager.

Nagtapos ang naturang team last season sa kartadang 20-30. Huli namang naglaro si Slaughter sa NortPort Batang Pier. Nakasalang lamang siya ng 4 games sa 2021 Governor’s Cup. Kung saan, nagtala siya ng 14.3 points, 9.3 boards at 1.3 blocks.

May hindi napagkasunduang terms sa pagitan ng player at NorthPort. Dahilan upang pumayag si Greg na pumirma sa Fukuoka.

I am really excited to play for the great city of Fukuoka and the fans! Thank you for all the support and I can’t wait to see you all!,” ani Slaughter sa press statement.