April 27, 2024

GOLDEN STATE WARRIORS, PINAGHAHANDAAN NG CELTICS SA GAME 1

Liyamado man, naghahanda ang Golden State Warriors sa Game 1 ng NBA finals. Bagamat pabor sa kanila ang mga analyst na maging tsampyon, di pwedeng magkumpiyansa. Ibang Boston Celtics anila ang makakatapat nila lalo na ang tight defense nito.

Mahalaga kay Warriors coach Steve Kerr ang complete arsenal sa Game 1.Kaya, inaasahan niyang maglalaro ang 3 sa role players ng Dub City.

Ito ay sina Gary Payton II, Otto Porter at Andre Igoudala. Ayon pa kay Kerr, sumasama sa practice ang tatlo. Pero, under observation pa kung makalalaro sa Game 1.

Gary, Andre and Otto all took part fully in practice today,’ aniya.

We did not do a live scrimmage, but we did do kind of scout-team work, half-court offense and defense.” Ang Game 1 ay bubuslo sa Biyernes (PH time) sa Chase Arena sa San Francisco.