April 30, 2024

Gilas Pilipinas SBP pool, Clarkson at Brownlee magkatuwang para sa FIBA WC

MAGKAKASAMA sa Gilas Pilipinas sina Jordan Clarkson at Justin Brownlee na sasabak sa paparating na FIBA World Cup na ihu-host ng Pilipinas at co- host ang Indonesia at Japan.

Ang reresolbahin lang dito ay kung sino ang magiging naturalized at local player depende sa desisyon ng FIBA.

Sa ipinalabas na talaan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas( SBP),ang NBA player na si Clarkson at ang Pinoy nang si Brownlee na pinagtibay ng Kongreso ang citizenship ay makakasama sa pool na isinumite sa FIBA sina Dwight Ramos,Chris Newsome,Kiefer Ravena, CJ Perez,Rhenzb Abundo,Jordan Heading, Roger Rey Pogoy, Scottie Thompson,Thirdy Ravena ,Japeth Aguilar,Poy Erram,Carl Tamayo,Bobby Ray Parks, Jr. June Mar Fajardo, Kai Sotto, Ange Kouame, AJ Edu at Calvin Oftana. Ang Gilas Pilipinas ay makakalaban ang mga ka- grupong (Group A) bansang Dominican Republic, Angola at Italy sa preliminaries.