May 3, 2024

GILAS PILIPINAS 12-MAN POOL NA BUBUSLO SA SEA GAMES, INILATAG NA

Inilabas na ang Gilas Pilipinas official line-up na bubuslo sa 31st SEA Games sa Vietnam. Binubuo ito ng 12 man-pool mula sa PBA, Collegiate at Pro league. Kabilang sa kanila ang magkapatid na Kiefer Ravena at Thirdy Ravena.


Ang Ravena siblings ay kapwa naglalaro sa Japan B. League. Pasok din si Matthew Wright ( Phoenix Fuelmasters), RR Pogoy at Troy Rosario (TNT). Kasama rin si LeBron Lopez, Mo Tautuaa at June Mar Fajardo (SMB), Isaac Go, Kevin Alas (NLEX), Will Navarro at Kib Montalbo.


Si TNT Tropang Giga coach Chot Reyes naman ang magiging mentor ng team. Kumpiyansa naman ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na magiging deadly pa rin ang nasabing line-up. Gayundin na kayang idepensa ng team ang titulo bilang defending champion ng basketball sa biennial meet.