Pasok na ang Pinoy at world’s No. 2 pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena sa finals sa nagpapatuloy na Paris Olympics 2024.
Bago ito, dalawang beses pumalya si Obiena sa 5.60 m height pero matagumpay niyang na-clear ang 5.70 sa kaniyang ikatlo at huling attempt para sa Men’s Pole Vault.
Naging bahagi si EJ ng best-12 performance sa naturang event para sa finals.
Si Obiena ay isa sa mga pangunahing bet ng Philippine team na makakakuha ng medalya sa Paris Olympics, kasunod na rin ng magagandang mga record kung saan nagawa niyang tumalon ng lagpas sa 6 meters ng dalawang beses sa mga international competition na kaniyang sinalihan.
Gayunman, naniniwala si Philippine Athletics Track and Field Association president Terry Capistrano na hindi naging madali ang lahat kaya hanggang ngayon ay hindi sila nagpapaka-kampante.
Hindi aniya dapat minamaliit at ipinagsasawalang-bahala ang kakayahan ng iba pang Olympian at dapat manatili ang focus ng atleta sa kaniyang event.
Sa kasalukuyan, hawak ni world No. 1 Duplantis ang highest record, habang ang world No. 3 na si Sam Kendricks ng USA ay nakapagtala rin ng 6.06 meters.
Si Obiena ang kinikilalang unang lalaki mula sa Asya na nagawang lundagin ang mahigit 6 meters.
Naitala niya ito noong June 10, 2023 sa Bergen, Norway. (RON TELENTINO)
More Stories
2025 BUDGET TARGET MAIPASA NG KAMARA SA SEPT. 25
DOPPELGANGER NI ALICE GUO, HUMARAP SA NBI
BAGYONG FERDIE PUMASOK SA PAR