May 18, 2024

DJ CHACHA, IPINAGLABAN NI TED FAILON KAYA TINANGGAP SA KAPATID NETWORK

KINAIN daw ni DJ Chacha ang mga pinagsigawan nitong ‘Kapamilya Forever,’ pero ngayon ay nasa bakuran siya ng Singko na hindi ka-level ng TV station nilang ABS-CBN. Galit ang mga basher niya dahil wala raw itong isang salita.

Ang chika ng mga taga-Singko, hindi raw feel ng management ang nasabing anchor. Pero ayaw nilang sabihin kung bakit? Pero tinananggap naman nila ito sa kanilang radio station at umeere na siya ngayon.

Nakapasok lang daw ang DJ sa tulong ni Ted Failon. Pero kung siya lang daw, mukhang walang time ang management para sa kanya. Ang balita nga, mukhang hindi tatanggapin ni Mr. Failon ang offer ng Singko kung hindi kasama si DJ. Ganun!