May 18, 2024

TED FAILON, WALA PA RAW SA PLANO NA PASUKING MULI ANG TELEBISYON

BAKA raw hindi na feel ni Ted Failon ang telebisyon at pang-radyo na lang ang kapogian niya. Iba kasi nung nasa ABS-CBN siya, kaya hindi na niya tinanggap ang offer ng TV5 na mag-TV siya.

Sabi nga nila, muli raw babangon ang ABS-CBN at mag-eere silang muli. Baka iyon daw ang hinihintay ni Mr. Failon. Magpokus muna raw siya sa kanyang pamilya dahil matagal na rin naman silang hindi nagba-bonding.

Kung sa radio nga lang muna siya, anytime na mag-open ang ABS-CBN ay muli siyang makakabalik. Sabi ng mga bashers niya, sigurista raw at user ang sikat na broadcaster. Ang feel daw niya maliit na station lang ang Singko.