May 18, 2024

ALDEN RICHARDS, KAILANGAN PA RIN DAW NG ‘EAT BULAGA’

INIWAN na nga ba ng tuluyuan ni Alden Richards ang Eat Bulaga ng GMA? Kahit busy naman ang actor, may time ito sa EB. Pero bakit hindi na siya lumalabas dito? Miss na miss na siya ng kanyang mga followers na nagtataka sa biglang pagkawala niya.

Binuwag na nga nila ang tambalang Alden at Maine (AlDub). Heto at mukhang unti-unti na rin nilang inaalis si Alden. Himutok ng mga fans ni Alden, pinalitan na siya ni DJ Loonyo na ang drama ay pasayaw-sayaw sa EB segment na Bawal Ang Judgemental.

Kailangan pa rin nila si Alden sa hit variety show ng Kapuso Network at dapat lang daw na ibalik siyang muli dahil ang ipinalit nilang si DJ Loonyo ay mukhang hindi raw malakas ang hatak sa mga televiewers.