May 3, 2024

‘Di feel ng netizens… ‘SHANIEL’ PAMALIT SA KATHNIEL LOVETEAM

MARAMI ang nagsasabi na hindi raw bagay ang dating nina Atasha Mulach at Daniel Padilla. O baka naman, naninibago lang kayo sa bagong loveteam na ShaNiel.

“Negative ang dating ng bagong loveteam na ShaNiel sa mga tao, kasi nga raw hindi magandang impluwensiya si Daniel kay Atasha Mulach.

“Bakit naman? Give them a chance, malay ninyo mag-click ang bagong loveteam. Iyan pa naman ang bago nilang pasabog.

“Ang daming puna ng mga netizens sa ShaNiel loveteam, isa na nga rito na mas matangkad daw si Atasha kay Daniel.

“Kung matutuloy ito, tiyak na hindi papayag ang KathNiel loveteam. Pero ano naman ang magagawa nila kung balak nang patayin ang KathNiel loveteam?” malungkot na pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.