PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
IPINAGDIWANG ng Pamahalaang Lungsod ng Dapitan ang ika-165 anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal (1861-96) sa Dambanang Jose Rizal sa Dapitan, Zamboanga del Norte, noong 19 Hunyo 2026 Biyernes.
Ang pagdiriwang ay pinangunahan ni Dapitan City Mayor Belen Uy bilang panauhing pandangal. Kasama sa okasyon sina Sofia E. Bagolboc, ang Curator ng Dambanang Rizal; Gabriel M. Cad, Dapitan City Vice Mayor at dating Curator ng Dambanang Rizal; at iba pang lokal na kawani at residente ng lungsod.
Si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan noong 1892. Naging laboratoryo ito para sa kaniyang mga ideya ng nasyonalismo. Ang kaniyang Talisay estate, na ngayon ay isang dambana, ay naghost ng isang paaralan, klinika, at sistema ng irigasyon ng tubig na kaniyang itinayo para sa mga Dapitanon.
Ang 2026 ay nagtatakda ng tatlong mahahalagang kaganapan sa buhay ng pambansang bayani sa Dapitan: una, ang ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ng kaniyang huling kasintahan na si Josephine Bracken (1876-1902); ikalawa, ang ika-130 anibersaryo ng pagkikita nina Dr. Pio Valenzuela (1869-1956) at Rizal; at ikatlo, ang pagtatapos ng pananatili ni Rizal sa Dapitan.
