May 18, 2024

DANIEL PADILLA, NOON PA TINANGGIHAN NG GMA 7 TV NETWORK

BATA pa noon si Daniel Padilla, ay tinanggihan na ito ng GMA-7 Network, kaya nga napunta sila sa ABS-CBN at tinanggap naman sila duon. 100% loyal si Daniel sa Kapamilya Network, kaya naman hindi na niya ito maiiwanan pa.

“Matetenga ang kanyang kasikatan kung hindi siya tatanggap nang offer sa ibang tv network, dahil hindi pa nga sure kung kailan muling magbubukas ang ABS-CBN. Iyong pagiging loyal niya sa ngayon ay hindi makakatulong sa kanyang showbiz career, kaya dapat lang na tumanggap siya ng project sa ibang tv station.

“Kung walang project siyang matatanggasp sa TV5, bad sign ito para sa kanyang career. Tiyak na malaking kabawasan ito sa kanyang popularity. Hindi rin naman maisasalba ang kanyang career kung hindi siya mapapanood sa free tv, sayang ang kasikataan na unti-unting mawawalan ng halaga.

“Maging wise dapat si Daniel Padilla, natapat pa ang Bansang Pilipinas sa Pandemia. Kaya maging ang Movie Industry ngayon ay pansamantalang sarado so saan siya mapapanood. Ang hiling lang naman ng kanyang mga fans n asana ay magpatuloy na siya’y Makita at masubaybayan ng mga ito. Pero saan?” Malungkot na pahayag ng aking source.