Hindi napigilang maglabas ng saloobin ng aktor na Daniel Padilla kaugnay ng patuloy na isyu ng korapsyon sa bansa.
Sa isang post sa kanyang Instagram account nitong Linggo, ipinahayag ni Padilla ang pagkadismaya sa sistema kung saan tila ang mga lumalaban sa katiwalian ang siya pang napaparusahan.
“Bakit ang mga lumalaban sa korapsyon ang hinuhuli, at hindi ang mga mismong korap?”
Umani ng libo-libong reaksyon at suporta mula sa mga netizen ang naturang post, lalo na mula sa mga tagasuporta ng aktor na pumuri sa kanyang tapang na magsalita tungkol sa isyung pambansa.
Bagaman hindi binanggit ni Padilla kung sino ang kanyang pinatutungkulan, marami ang nagsabing sumasalamin ito sa sentimyento ng mga Pilipinong sawa na sa katiwalian at kawalan ng hustisya.
Si Daniel Padilla, bukod sa pagiging aktor at recording artist, ay kilala rin sa pagiging vocal sa mga isyung panlipunan na may kinalaman sa kabataan at bayan.
