Umani ng malawakang papuri sa social media ang isang cameraman ng TV5 News5 matapos biglaang ma-thrust sa papel ng field reporter habang nagc-cover ng Super Typhoon Uwan sa Albay.
Si Mac Ortiz, na karaniwang nasa likod ng kamera, ay natangay sa sitwasyon at kinailangan mag-live report nang biglaan.
Hawak ang News5 red microphone, halatadong kinakabahan ngunit matapang na naghatid ng kanyang unang live report, matapos tulungan at pakalmahin siya ng anchor na si Ed Lingao sa ere.
Napansin ng mga manonood ang kanyang kaba sa simula, ngunit hinangaan ang kanyang bilis na nakabawi at malinaw na pagbibigay ng impormasyon, sa kabila ng pressure ng live coverage.
“First time, first time,” ani ni Ortiz.
Maraming netizens ang nagbigay ng suporta:
“Ramdam ko kaba ni bok, pero saludo!”
“Kudos to this Cameraman, very informative and detailed delivery of news. Not bad for a first-timer!!”
“Cameraman??? Pinag-on-the-spot reporting??? First time??? Astig!”
Pinuri rin ang News5 sa pagbibigay ng pagkakataon kay Ortiz na humarap sa hamon, at si Ed Lingao sa kanyang mainit at nakapapakalma na pakikitungo na nakatulong sa cameraman upang makapag-deliver ng maayos.
Ang karanasan ni Ortiz ay naging inspirasyon para sa marami, lalo na sa mga baguhan sa larangan ng broadcast journalism, na nagpapakita na katapangan at determinasyon ay mas mahalaga kaysa karanasan sa unang pagkakataon.
