Nanguna si Senador Christopher “Bong” Go sa mga paboritong kandidato sa pagka-vice president para sa halalan sa Mayo 2028, batay sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.
Nakatanggap si Go ng 31 porsyentong suporta mula sa mga adult Pilipino sa buong bansa. Pinalakas ng mataas na antas ng suporta mula sa Mindanao (55%) at Visayas (37%) ang kanyang posisyon, pati na rin ang pagtangkilik mula sa socio-economic Class ABC (37%) at Class D (31%).
Kasunod ni Go sa talaan sina Sen. Robin Padilla (19%), Sen. Bam Aquino (17%), dating Senator Grace Poe (14%), Sen. Erwin Tulfo (10%), Sen. Kiko Pangilinan (3%), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III (0.3%) at ibang pangalan (0.3% hanggang 0.5%)
Ayon sa Pulse Asia, humigit-kumulang 2 porsyento ng mga respondent ang nanatiling undecided o walang napipiling kandidato, habang 2 porsyento naman ang nagsabing wala silang iboboto sa mga nakalistang pangalan.
Naisagawa ang nationwide survey gamit ang face-to-face interviews sa mga kwalipikadong botante sa buong bansa, na may ±2 percentage point margin of error sa 95% confidence level.
