May 19, 2024

BEAUTY GONZALES, EXCHANGE DEAL NGA BA NI SUNSHINE DIZON SA PAGLIPAT SA GMA-7

Nabuhay na naman ang isyu tungkol sa paglipat ni Beauty Gonzales sa GMA-7, dahil lumayas na nga ang actress na si Sunshine Dizon sa poder nila.

Hindi na raw hinabol pa ang actress dahil gurang na ito at ang kanilang ipinalit ay fresh at malakas ang dating ayon sa mga netizens.

Pero super deny si Beauty sa chika na paglipat niya sa GMA-7. Ano ba raw talaga ang totoo?

Pero ang mainit ngang balita ay may ginagawa nang soap si Ms. Beauty Gonzales sa Kapuso Network, pero mukhang ayaw munang magsalita ang kampo niya sa chikang paglipat niya.

rin bang ‘exchange deal’ ito? Goodbye Sunshine Dizon at welcome Beauty Gonzales ang nangyari sa dalawang actress.

Kung totoo ito, malamang na sad move sa part ni Sunshine Dizon. Dahil balitang balita na hindi na siya kailangan pa sa Kapuso Network. Kaya hindi na siya hinabol pa.

MATT GARCIA