May 18, 2024

RABIYA MATEO AT NEIL SALVACION, WALA RAW BREAK UP, PERO HUMINGI NG SPACE SI BABAE KAY LALAKE

Habang nasa Miss. Universe si Rabiya Mateo ay break na pala sila ni Neil Salvacion. Pero, dinenay ito ni Rabia, pero bakit siya humingi ng space sa boyfriend niya for almost seven years?

Tapos ang matindi pa nito ay in-unfollow na nila ang isa’t isa sa kanilang Instagram. Ang ending daw ay matinding ‘karma’ ang inabot ni Rabiya Mateo.

Masakit sa kampo ni Neil Salvacion ang nangyari, dahil wala naman silang away o tampuhan bilang magkasintahan.

Napaka supportive pa nga raw ni Neil kay Rabiya, kaya halos lahat ay nagtataka sa naging desisyon ni Rabia na humingi siya ng space kay Neil.

Instant karma naman agad ang inabot ni Rabiya, bukod sa wala na sila nang kanyang boyfriend ay natalo naman siya sa Miss Universe Beauty Pageant.

Mabuti na raw ang nangyari, dahil kahit masakit ay unti-unti nang nakarerekober si lalake sa nangyari sa kanilang relasyon. MATT GARCIA