May 19, 2024

SARAH GERONIMO, REPRESENTATIVE NG BANSA SA ONLINE ASEAN-JAPAN MUSIC FESTIVAL 2021

Pinoy Pride ng bansa natin ngayon si Sarah Geronimo dahil siya ang representative ng Pilipinas para sa Online ASEAN-Japan Music Festival 2021.

Bali pangalawang pagsali na ni Sarah ito, kaya naman masayang-masaya ang kanyang mga followers.

Dahil alam nilang kayang-kaya ni Sarah ang music competition na ito.

Masaya ako dahil akong muli ang representative sa ASEAN Music Festival. Salamat sa pagkakataong ito at tiwala na ibinigay nila sa akin,” ani Sarah.

Isa itong malaking karangalan on my part dahil napasama akong muli. Kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito.

Para ito sa ating bansa at sa aking mga followers na patuloy na naniniwala sa aking talento. Sana ang ating musika at pagtatanghal ay maging inspirasyon para sa lahat, dahil malaki ang aking paniniwala na ang musika ay isang paraan para tayo magkaisa kahit iba’t iba ang ating mga lahi. At magbigay nang pag-asa ang ating musika sa buong bansa at sa buong mundo,” chika pa ni Ms. Sarah G. MATT GARCIA