Maayos ngunit diretsahang itinama ni Bea Binene ang isang online news page na maling tumukoy sa kanya bilang Vivamax actress, imbes na Viva One talent.
Sa isang post ng naturang news page (na kalaunan ay binura), nakasaad: “Ibinahagi ng Vivamax actress na si Bea Binene kung paano ito dinisiplina ng kanyang ina na si Carina Binene.”
Agad itong tinugon ng aktres sa X (dating Twitter).
“Thanks for this po but just want to clarify. I’m with Viva One po. Thanks, God bless you,” paglilinaw niya.
Marami sa mga netizens ang pumuri sa pagiging magalang at propesyonal ni Bea sa pagtutuwid ng impormasyon, habang ang iba naman ay napa-comment ng “tama lang na linawin,” lalo’t magkaibang platform ang Vivamax at Viva One sa ilalim ng Viva Entertainment.
Kasalukuyang abala si Bea sa mga proyekto sa Viva One, kung saan patuloy niyang ipinapakita ang kanyang husay sa pag-arte sa mga bagong serye at pelikula ng nasabing streaming platform.
