May 5, 2024

Balak umakyat sa middleweight division, Pacquiao, target makalaban si Golovkin

Kalabisan na ayon sa iba ang balak ni ‘Fighting Senator’ Manny Pacquiao na umakyat ng dibisyon.

Balak kasi ni Pacman na tumuntong sa middleweight division para makaharap si Gennady ‘Triple G’ Golovkin.

Lumalaban si Pacman sa 147lbs welterweight limit sapol pa noong 2011.

Nais nito na lumaban ngayong taon at naghahanap ng bagong kalaban.

Kabilang sa mga target nito ay si Errol Spence Jr. (30) at Terrence Crawford (33).

Gayundin si Mickey Garcia (32). Maging ang trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach ay payag na makaharap ng kanyang alaga si Golovkin.

Nagulat din si super-featherweight pug Oscar Valdez sa plano ni Pacman.

 “Everybody wants to fight Pacquiao,” aniya.

“Pacquiao chooses who he wants to fight. He wants to fight Golovkin, he’s crazy.”

“He’s a legend. Pacquiao, he’s just a legend.”

Ayon sa mga boxing analyst, nais aniya ni Pacquiao na mahablit ang unbelievable ninth division.