April 27, 2024

Bahay ng dating vice mayor nilimas ng 4 magnanakaw sa Batangas

NILIMAS ng apat hindi pa kilalang mga suspek na akyat bahay ang mga personal na gamit at pera ng isang dating Vice Mayor na si Julian “Bojie” Casapao, sa bayan ng Bauan, Batangas  kahapon ng madaling araw sa Catalina Lake, Subdivision, Barangay Manghinao Uno sa nasabing bayan.

Base sa ipinadalang report ng Bauan Municipal Police Station, nagtungo sa kanilang tanggapan si Gerald Casapao, ang personal body guard ng dating bise alkalde para ireport ang nangyaring pagnanakaw sa bahay ng biktima na agad naman nirespondehan ng mga awtoridad at nirebyu ang CCTV footages at duon nakita ang ang dalawang hindi kilalang suspek na pawang mga nakasuot ng mask, long sleeves at pantalon na pumasok sa loob ng bahay ng biktima habang nagsilbing look out sa labas ng bahay ang dalawang iba pa at isa isang kinuha ang mga gamit tulad ng isang relo na may tatak na Tag Heuer wrist watch na worth P300,000, tatlong piraso ng Samsung mobile phones na worth P80,000, cash money na nagkakahalaga ng P81,204.00, 300 US Dollars, bag na naglalaman ng mga susi at post dated cheques na worth P25,000.00.at License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ID.

Mabilis naman tumakas ang mga magnanakaw patungo sa direksyon ng kahabaan ng Diversion Road sakop ng Bauan at meron na rin mga tinitingnan na Person of Interest ang pulisya sa nangyayaring insidente  ng pagnanakaw sa bahay ng biktima. (KOI HIPOLITO)