December 7, 2024

BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO

SINASALUDUHAN si  Global Sikaran Federation (GSF) official at founding president ng Tanay Raven Sikaran Master Crisanto Cuèvas  sa paglawig pa ng ñaturang larangang tunay na Pinoy- ang Sikaran, the art of footfighting partikular sa grassroot level sa mga lalawigan ng buong kapuluan.

Pinapurihan ng sikaran multi-awardee màster Cuevas ang pagkatatag ng isàng bagong chapter sa Tarlac na Comillas Mavericks Sikaran sa pagpupursige ni martial arts enthusiast Danigilas Simon.

“It’s a welcome development ang paglawig pa ng larangang tunay na Pinoy at naging simbolo ng disiplina na pinakapopular na sining sa aking bayang sinilangan sa Tanay , Rizal. Ngayon, di lamang sa Rizal bukambibig kundi todo aksiyon na rin sa mga gŕassroots sikaran sa countryside.Pugay ka- Sikaran!”, wika ni Master Cuevas.

“Sa aking pagbabalik muli sa Pilipinas ay ating papasyalan ang mga bagong tatag na chapter na tiyak na may mga konkretong programa at paghahanda na para sumabak sa ating idinaraos na national open sikaran championship na tulay naman patungong international na kumpetisyon sa mga napiling host  nationwide kada taon,” pahayag ni Master Cuevas na nakabalik na sa kanyang base sa Estados Unidos.

“Kapag ang adbokasiya tulad ng pagpapalawig ng larangan ng sikaran ay sinuportahan ng lokal na pamahalaan tulad ng mga lider nating Tanjuatcos sa bayan ng Tanay .at lalawigan ng Rizal ay tiyak na ang direksyon ay tagumpay ng adbokasiya”, ani pa Cuevas. (DANNY SIMON)