NGAYONG Disyembre 2025 ay Buwan ni Rizal. Tampok sa pagdiriwang ang paggunita sa ika-129 anibersaryo ng parkamartir ng pambansang bayani ni Dr. Jose Rizal na isasagawa sa Liwasang Rizal at iba pang makasaysayang pook sa loob at labas ng bansa. Kabilang sa makikibahagi sa okasyon ang outgoing officers ng Order of the Knights of Rizal (KOR) para sa RY 2023-2025 sa panguguna ni Supreme Commander Sir Raymundo A. Del Rosario, KGCR.

Ayon sa Supreme Council Memorandum No. 021, s. 2023-2025 na may petsang 30 Nobyembre 2025, ang napiling siyam (9) na nahalal upang bumubuo sa bagong pamunuan ng KOR ay batay sa sumusunod: Sir Emmanuel F. Calairo, KGCR, bilang Supreme Commander; Sir Joel V. Tuplano, KGOR, bilang Deputy Supreme Commander; Sir Mauircio L. Sardido, KGOR, bilang Supreme Chancellor; Sir Jose Vicente B. Salazar, KGOR, bilang Supreme Pursuivant; Sir Robert Theodore S. Romero, KGOR, bilang Supreme Exchequier; Sir Arnold Villafuerte, KGCR, bilang Supreme Auditor; Sir Alexander Onia, KGOR, bilang Supreme Archivist at Overseas Representative; Sir Joselito Cayabyab, KGOR, bilang Deputy Supreme Pursuivant; at Sir Rene Elias C. Lopez, KGOR, bilang Deputy Supreme Exchequier.
Batay sa Artikulo VII, Seksyon 3 ng KOR Amended By-Laws (binago 2025), ang bagong nahalal na pamunuan na ang kanilang termino ay nakatakdang magsimula sa darating na 01 Enero 2026 Huwebes at magtatapos sa 30 Disyembre 2028 Sabado. Ang pook na pagdadausan sa panunumpa ng bagong pamunuan at oras ay ihahayag sa pamamagitan ng advisory ng Secretariat bago magtapos ang kasalukuyang buwan.
Pagbati kina Chairman Sir Tirso Velasco, KGCR; Secretary at Election Administrator Sir Jeffrey Ian C. Dy, KCR; at Kasapi ng Tribunal na sina Sir Ernesto Urbano, KGOR; Sir Ricardo Aquino, KGOR; at Sir William L. Jasario, KGOR, para sa matagumpay na pagsasagawa ng halalan, patas, at mapagkakatiwalaan. Ang kanilang paglilingkod ay malinaw na testamento ng mga gintong aral na iniwan ni Dr. Jose Rizal.
Pagbati sa bagong pamunuan ng Supreme Trustees KOR!
Mabuhay!
