Ryan San Juan
Ibinahagi ni Director Joel Sy Egco, consultant ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang pananaw ng isang akademiko at ang kaniyang rekomendasyon sa polisiya laban sa tinatawag na terror grooming.
Sa kaniyang presentasyon, inamin ni Dr. Egco na dating siyang kasapi ng grupong Makabayan at naging miyembro ng New People’s Army (NPA) noong siya ay 18 taong gulang pa lamang.
Aniya, isang Aeta umano ang naging kumander niya at madalas silang maglibot sa lalawigan ng Zambales.
Binigyang-diin ni Dr. Egco na ang konsepto ng violent extremism–terror grooming (VE-grooming) ay hindi imbensiyon ng mga Pilipino, kundi isang kilalang proseso sa iba’t ibang bansa.
Inilarawan niya ito bilang isang “subtle” at kadalasang “invisible” na yugto bago ang aktwal na pagre-recruit, kaya’t dapat umanong tugunan sa pamamagitan ng maagang detection at counter-grooming strategies.
“”No one os born violent. They are made and fueled,” ani Egco. (Art Torres)
