May 17, 2024

Bagong mukha ng horror… LOUISE DELOS REYES, SINANIBAN NGA BA NI MARITA?

TALAGANG nakakatakot ang bawat eksena sa pelikula ng Viva Films na ‘Marita,’ dahil totoong istorya ang inyong mapapanood this coming November 22 sa mga sinehan.

“Habang kinukunan namin ang movie na ‘Marita,’ damangdama namin na kasama namin siya. May takot kami pero bago naman kami mag start ng shooting ay nagdarasal kaming lahat.

“Malaki ang pasasalamat ko kasi, nagtiwala sa akin si Boss Vic na gampanan ko ang role ni Marita ng Viva Films. Bali ito na rin ang comeback movie ko para sa taong 2023.

“Grabeng pananakot ang aking gagawin sa manonood ng ‘Marita,’ kung ako ngang nananakot na ay natakot din ako sa mga eksenang ginagawa ko kasi first time kong gumawa ng ganitong klase ng pelikula,” kinakabahang kwento ni Louise Delos Reyes.