May 18, 2024

Magbabalik na nga ba sa ABS-CBN? TONI GONZAGA, NAPATUNAYAN MARAMI PALA SIYANG PEKENG KAIBIGAN

HINDI nga sukat akalain ni Ms. Toni Gonzaga na marami pala siyang mga kaibigan na hindi totoo ss kanya. Kaya nga ng gusto niyang bumalik sa ABS-CBN ay, marami sa kanila sng tumututol.

“That’s life, ako naman pag alam kong hindi sila totoong makipag kaibigan sa akin pinapasa Dios ko na lang ang lahat.

“Ganuon talaga, may ayaw sa’yo at maraming nasasabi gayung hindi ko naman siya pinakitaan ng masama. Wala naman akong magawa, kaya tumatahimik na lang ako.

“May mga kaibigan akong pagkaharap ko parang maamong tupa, pero pagtalikod ko ay katakot-takot na paninira ang ginagawa. Hinahayaan ko nalang, basta ako tuloy na lang sa aking trabaho,” pagwawakas pa ni Toni.