May 18, 2024

Dahil maka-Duterte… MATTEO GUIDICELLI’S ‘PENDUKO’ MOVIE BOBOYKOTIN NG MGA FANS

ANG saklap naman nang balik ng mga fans kay Matteo Guidicelli, hindi pa nga naipalalabas ang entry movie niya at ng Viva Films na ‘Penduko’ sa Metro Minila Films Festival 2023. Ay nagbabanta na ang mga fans, at hindi nila susuportahang panoorin ang movie entry ni Matteo.

“Kimit balikat na lang ho si Matteo, hindi na lang siya nagpapaepekto sa mga pagbabanta ng mga fans. First movie niya ang ‘Penduko’ ng Viva Films, at ginalingan naman talaga ni Matteo ang pagganap sa kanyang role bilang si ‘Penduko.’

“Gamay niya ang action movie na iyan, at marami rin ang nagsasabi na isang malaking hamon sa kanyang career na maging action star. At nagampanan naman niya ng buong husay, ang mga eksenang buwis buhay. Malaki ang laban niya, at sana raw ay suportahan nila ang kanyang pelikula.

“Iyang tungkol sa boykot isyu, dinededma na lang ni Matteo, ang katwiran niya hindi naman niya kayang hadlangan ang mga fans kung ayaw nilang panoorin. Sana na lang daw mag-respetuhan na lang, dahil nirerespeto naman niya kung sinong politiko ang kanilang sinuportahan,” ayon iyan sa aking source.